Matagumpay na idinaos ang kauna-unahang Workers’ Meeting ng Central Luzon Provinces Mission (CLPM) nitong Setyembre 26, 2024, sa Balibago, Angeles City, Pampanga. Dumalo ang mga ministerial workers, office workers, principals, at mga Area Publishing Ministries Leaders mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Si Pastor Gerardo Cajobe, Presidente ng North Philippine Union Conference (NPUC), ang nagsilbing tagapagsalita sa devotional na nakatuon sa pagkatawag at misyon. Hinimok niya ang lahat na magpatuloy sa kanilang pagkatawag mula sa Diyos at isapuso ang kanilang misyon bilang mga manggagawa ng iglesya.
Sa ikalawang bahagi ng programa, ibinahagi ni Joel Manlungat, Treasurer ng CLPM, ang maikling kuwento sa likod ng pagkakatatag ng bagong misyon at ipinakilala rin ang mga bagong office workers. Sinundan ito ng presentasyon ni Pastor Reylourd Reyes, Executive Secretary, kung saan ibinahagi niya ang mga planong hinaharap ng CLPM at mga nalalapit na kaganapan, na sinundan ng isang Question and Answer session.
Sa huling bahagi ng programa, si Pastor Gerardo Estabillo, Presidente ng CLPM, ay nagbahagi ng tinatawag na “Blueprint” para sa bagong misyon, na nagbigay ng malinaw na direksyon at layunin para sa hinaharap ng organisasyon.
Sa hapon, nagkaroon ng photo op ang mga ministerial workers sa Visual Stories Photo Studio, na nagbigay ng pagkakataon sa kanila na magbahagi ng masasayang alaala mula sa kaganapan.
Ang matagumpay na Workers’ Meeting na ito ay nagmarka ng isang mahalagang yugto sa paglago at pag-unlad ng Central Luzon Provinces Mission, na inaasahang magsisilbing gabay sa kanilang mga susunod na hakbangin.