
Social Media, Isinusulong Bilang Kasangkapan sa Misyon
Isinagawa ang tatlong araw na programa mula Agosto 14 hanggang 16, 2026 sa pangunguna ng Northern Luzon Philippine Union Mission (NLPUM), katuwang ang Southern Asia-Pacific Division (SSD). Tampok sa pagsasanay ang pagpapalawak ng kaalaman sa digital communication, social media management, content creation, at iba pang estratehiya para sa mas epektibong pagpapalaganap ng mensahe ng iglesia.




