Isinagawa ang tatlong araw na programa mula Agosto 14 hanggang 16, 2026 sa pangunguna ng Northern Luzon Philippine Union Mission (NLPUM), katuwang ang Southern Asia-Pacific Division (SSD). Tampok sa pagsasanay ang pagpapalawak ng kaalaman sa digital communication, social media management, content creation, at iba pang estratehiya para sa mas epektibong pagpapalaganap ng mensahe ng iglesia.
Sinimulan ang unang araw sa Opening Ceremony, na pinangunahan nina Pr. George Perdido at Pr. Arman Samijon. Kabilang sa programa ang pag-awit ng Lupang Hinirang at theme song na “One Voice 27,” na sinundan ng panalangin, mga mensahe, at musical renditions.

Tinalakay rin sa unang bahagi ng programa ang Biblical Foundation of Communication for Mission in the Old and New Testaments, na ibinahagi ni Pastor Carlito Quidet. Kasunod nito ang mga sesyong nakatuon sa kahalagahan ng komunikasyon, news at media, at strategic communication para sa gawain ng iglesia.

Sa mga sumunod na sesyon, itinampok ang iba’t ibang aspekto ng digital ministry. Kabilang sa mga paksa ang “The Role of Communication in the Early Christian Church to the Adventist Movement,” “Importance of Communication, News and Media,” “DSM: Social Media with Impact,” at “The Communication Leader as Bridge Builder: Connecting Mission, Message and Community.”
Pinangunahan naman ni Anthony Stanyer ang ilang sesyon tungkol sa church social media management, digital strategy, at paggamit ng social media bilang bahagi ng ministeryo. Kabilang din sa mga tagapagsalita sina Edward Rodriguez, na tumalakay sa visual-language audiovisual production at connectivity sa strategic communication, at Pastor Carlito Quidet, na nagbigay-diin sa church communication at pagpaplano ng mga estratehiya para sa misyon.
Sa bahagi naman ng Sabbath School, nakapaloob sa programa ang mga talakayan tungkol sa Sabbath announcements and news podcast at Adventist identity guidelines. Itinampok din ang OneVoice27 on Social Media at ang papel ng komunikasyon sa mga huling araw ng kasaysayan ng daigdig.
Bahagi rin ng pagsasanay ang mga sesyon para sa iba’t ibang communication ministries, kabilang ang Northern Luzon Adventist Communication (NLAC), Northern Luzon Adventist Health Services (NLAH), Central Luzon Communication (CLC), at iba pang delegasyon mula sa mga mission at conference.
Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mas mapalalakas ang kakayahan ng mga delegado sa paggamit ng makabagong teknolohiya at social media upang maipahayag ang mensahe ng iglesia sa mas malawak na komunidad. Binibigyang-diin nito na ang digital platforms ay hindi lamang para sa impormasyon at promosyon, kundi maaari ring maging mahalagang daluyan ng komunikasyon at misyon.
Magtatapos ang Social Media Ministry Training: Digital Strategy for Mission sa Agosto 16, kasunod ng mga sesyon na nakatuon sa commitment, social media ministry, at patuloy na paggamit ng komunikasyon bilang tulay sa misyon at paglilingkod.
CLPM Newsline News Writer